Saturday, September 7, 2013

Filipino Reviewer by: Gab Quijencio

FILIPINO REVIEWER
by: Gab Quijencio
I. LIPON NG MGA SALITA
1. PARIRALA- lipon ng mga salitang hindi buo ang diwa, bahagi lamang o nagagamit ng pangungusap
hal: isang batang madasalin
2. SUGNAY- lipon ng mga salitang simuno at panaguri na maaaring:
a.       SUGNAY NA MAKAPAG-IISA- makapag-iisa ang sugnay kung sa loob ng pangungusap ay may simuno at panaguri at buo ang diwa. Maaaring itong gawing buong pangungusap at lagyan ng bantas.
b.      SUGNAY NA DI MAKAPAG-IISA- hindi nakapag-iisa ang sugnay kung ito ay pinangungunahanng pangatnig. May paksa at panaguri ito ngunit hindi buo ang kaisipang ipinapahayag.
hal: Tinamnan nilang muli ang mga puno ng kaingin upang manumbalik ito.                                 
                                     MAKAPAG-IISA                                 DI MAKAPAG-IISA
3. PANGUNGUSAP- lipon ng mga salitang buo ang diwa
hal: Ang gagaling ng mga mag-aaral.
           PANAGURI                SIMUNO

II. BAHAGI NG PANGUNGUSAP
1. PAKSA O SIMUNO- ito ang pinag-uusapan a pangungusap. Maaaring ito’y pangngalan o panghalip. Makikilala ang paksa sa pamamagitan ng mga panandang si, sina, ang at ang mga.
2. PANAGURI- nagsasabi ito ng impormasyon tungkol sa paksa. Maaaring ito’y kilos, katangian, kung ano o nasaan ang pinag-uusapan. Kung ang pangungusap ay nasa di karaniwang ayos, magiging palatandaan ang panandang AY. Lahat ng mga salitang susunod sa AY ay bahagi ng panaguri ng pangungusap
III. DALAWANG AYOS NG PANGUNGUSAP
1. KARANIWANG AYOS – ginagamit ng karamihan sa pakikipag-usap sa pangaraw-araw o ordinaryong pakikipag-usap. Nauuna ang panaguri a simuno.
2. DI KARANIWANG AYOS- ginagamit sa pagsulat at di sa pangaraw-araw na pakikipag-usap. Nauuna ang simuno sa panaguri.
KARANIWANG AYOS
DI KARANIWANG AYOS
Bumili ng mga tinapay ang mga bata.
Ang mga bata ay bumili ng tinapay
Masayahin ang mga Pilipino.
Ang mga Pilipino ay masayahin.
IV. URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT
1. PASALAYSAY O PATUROL- ginagamit sa pagsasabi ng pangyayari o katotohanan. Ito ay nagtatapos sa tuldok. (.)
2. PATANONG- pangungusap na naghahanap ng kasagutan o impormasyon. Ginagamitan ito ng tandang pananong. (?)
3. PAUTOS- pangungusap na nagsasabi na gawin ang isang bagay. Ginagamitan ito ng tuldok. (.)
4. PAKIUSAP- pangungusap na nagsasabi na gawin ang isang bagay ngunit nakikisuyo o nakiki-usap. Ginamagamitan ito ng tuldok (.) o tandang pananong. (?)
5.  PADAMDAM- pangungusap na nagpapakita ng matinding emosyon.
V. KAYARIAN NG PANGUNGUSAP
1. PAYAK- pangungusap na binubuo ng isang diwa o isang kaisipan lamang.
a.       payak na simuno at payak na panaguri
hal. Mahal siya ng kanyang ama.
a.       tambalang simuno at payak na panaguri
hal. Matataba ang mga tupa at kambing.                                                                                                                                                                                                      
b.      payak na simuno at tambalang panaguri                                                                                                                                                     hal. Siya ay masipag at matiyaga.
c.       tambalang simuno at tambalang panaguri                                                                                                                                     hal. Mababangis at matatapang ang mga leon at tigre.
2. TAMBALAN- pangungusap na binubuo ng dalawang payak na pangungusap na pinag-uugnay ng pangatnig tulad ng at, o, ngunit, habang, samantala o pero.
 hal. a. Susunod ba tayo sa Bohol o maghihintay na lang tayo sa Cebu.                                                                                                                                b. Nagbabasa ng novela si Jennifer habang tumutugtog ng gitara si Marion.
3. HUGNAYAN- pangungusap na binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang sugnay na hindi nakapag-iisa na pinakikilala ng mga pangatnig na "kapag", "pag", "nang", "dahil sa", "upang", "sapagkat", at iba pa. Ang pangungusp na ito ay may koseptong sanhi at bunga.
hal. a. Mataas ang pagtingin ng magulang ko sa kanya dahil sa magandang ugaling pinakita niya.
                                              BUNGA                                                                             SANHI
VI. KASARIAN NG PANGNGALAN
1. PANLALAKI- ngalan na tumutukoy sa ngalang lalaki.
2. PAMBABAE- ngalan na tumutukoy sa ngalang babae.
3. DI TIYAK- ngalan na pwedeng pambabae o kaya panlalaki.
4. WALANG KASARIAN- ngalan na tumutukoy sa mga bagay, pook, pangyayari at iba pa na walang buhay.
PANLALAKI
PAMBABAE
DI TIYAK
WALANG KASARIAN
hari
reyna
guro
pintuan
tiyo
tiya
anak
upuan
lolo
lola
kaibigan
luha
kuya
ate
kapatid
damit

VII. KAILANAN NG PANGNGALAN
1. ISAHAN- tumutukoy sa pangngalang likas na nagiisa lamang ang bilang. Maaari itong gumamit ng pamilang na isa.
2.   DALAWAHAN- tumutukoy sa pangngalang may dalawang bilang. Maaari itong gumamit ng panlaping mag- , magka- at pamilang na dalawa.
3. MARAMIHAN- tumutkoy sa pangngalang may tatlo o mas marami pang pangngalan. Maaari itong gamitan ng panlaping mag- at pag-ulit ng unang pantig ng pangngalan, magkaka- at pamilang ma tatlo pataas.
ISAHAN
DALAWAHAN
MARAMIHAN
kaibigan
magakaibigan
magkakaibigan
pamilya
magkapamilya
magkakapamilya
pinsan
magpinsan
magpipinsan
isang itlog
dalawang itlog
apat na itlog
isang papel
dalawang papel
tatlong papel

VIII. URI NG PANGNGALAN AYON SA TUNGKULIN
1. TAHAS O KONGKRETO (CONCRETE)- pangngalang nadadarama ng limang pandama. (FIVE SENSES)
2. BASAL O DI KONGKRETO (ABSTRACT)- pangngalang hindi nadadarama ng limang pandama ngunit nanatili lamang sa isipan. (FIVE SENSES)
3. LANSAKAN (COLLECTIVE)- pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan. Maaaring maylapi ito o wala.
TAHAS
BASAL
LANSAKAN
lamesa
kasiyahan
madla
pagkain
kalungkutan
pulutong
libro
kagitingan
tribo
sapatos
kasipagan
buwig

IX. KAYARIAN NG PANGNGALAN
1. PAYAK- pangngalang binubuo ng salitang-ulat lamang.
2. MAYLAPI- pangngalang binubuo ng salitang-ugat.
3. INUULIT- pangngalang inuulit ang unang dalawang pantig o ang buong salita.
4. TAMBALAN- binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-isa. May dalawang uri ng tambalang pangngalan:
a.       Tambalang Di Ganap – nananatili ang kahulugan ng mga salitang pinagtatambal.
b.      Tambalang Ganap –nawawala ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal at nakabubuo ng bagong kahulugan
PAYAK
MAYLAPI
INUULIT
TAMBALAN
kamiseta
magsasaka
bali-balita
kapitbahay
paro-paro
kasiyahan
bahay-bahayan
taumbayan
sapatos
mangingisda
gabi-gabi
bahaghari
tsinelas
pagkain
araw-araw
alay-kapwa
medyas
tindahan
dahi-dahilan
dalagang-bukid


X. KAUKULANG NG PANGNGALAN
1. PALAGYO (NOMINATIVE CASE)- kaukulan ng pangngalang ginagamit na
·         SIMUNO O PAKSA (SUBJECT)
·         PANAGURI (SUBJECT COMLEMENT)
·         PANTAWAG (DIRECT ADDRESS)
·         PANGNGALANG PAMUNO (APPOSITIVE)
2. PALAYON (OBJECTIVE CASE)- kaukulan ng pangngalang ginagamit na
·         LAYON NG PANDIWA (DIRECT OBJECT)
·         LAYON NG PANG-UKOL (INDIRECT ADDRESS)
3. PAARI- kaukulan ng pangngalan na nagpapakita ng pagmamay-ari.




No comments: