Thursday, September 5, 2013

Reviewer in Araling Panlipunan

A.P. Reviewer
By: Jan Joseph Reyes

Kahalagahan ng mga pilipino sa estado
Estado –grupo ng mga taong nakatira sa isang tiyak na teritoryo, may sariling pamahalaan at malayong namumuhay
Teritoryo- nasasakupang lugar ayon sa itinatakdang hangganan nito. Ang mga tao ang pinakamahalagang elemento sa estado. Maaaring uriin ang mga ito ayon sa mga sumusunod
Propesyunal-kagaya ng mga doktor abogado o inhinyero guro, Atbp. Na nagbibigay ng serbisyo sa mga nangangailangan ng tulong at kalinga.
Magsasaka at mangingisda na nakatugon sa pangaraw-araw sa pangangailangan ng tao.
Negosyante na nakapag-aambag ng karagdagang buwis na ginagamit ng Pamahalaan para sa mga serbisyong pampubliko
Manggawa na sa pamamagitan ng kanilang kasanayan kasipagan at matiyagang manggawa na sa pamamagitan ng kanilang kasanayan, kasipagan at, matiyagang paggawa ay nakagawa ng mga produktong ginagamit at iniluluwas sa ibang bansa
Mga hindi nakapag-aral-na karaniwang may mahirap na hanapbuhay ngunit maliliit lamang ang kinikita.
Bawat Pilipino ay may bahaging ginagampanan sa pamayang kanyang kinabibilangan

Pinagmumulan ng lahing pilipino
Ang mga sumusunod ang kinalabasan ng mga naging pag-aaral sa pinagmulan ng lahing pilipino
-Homo erectus at homo sapiens mula sa southeast asia ang mga unang tao sa bansa
- Dugong Malayo ang pinagmulan ng lahing pilipino ayon sa mga dayuhang manunulat
-Nagmula sa kontinente ng Asia na tinawag na philippine asian o Asyanong pilipino ang mga mamamayan ayon kay Dr. Arsenio Manuel.
-Maaaring nagmula sa bansang China ang mga Homo erectus na nanahan sa pilipinas sa panahon ng yelo ayon sa teorya ni Robert B. Fox
Tinatayang ang mga unang tao na sa ating kapuluan kung ang nahukay na buto ng Tabon sa palawan ang susuriin
Ayon sa teorya ni Henry O. Beyer, pandarayuhan ang dahilan ng pagkaka iba ng lahi ng mga Pilipino
Madiing sinalungat ng Pilipinong antropologong si Francisco Landa Jocano ang pananaw na ang mga Pilipino mula sa lahing malayo.
Sinalungat din niya ang “ Teorya ng pandarayuhan” dahil ayon sa kanya may nakatira sa Pilipinas bago pa nandarayuhan ang ibang lipi sa ating bansa.



Ang Malalaking Pangkat etniko sa Pilipinas.
Ang pangkat etniko sa Pilipinas ay binubuo ng mga taong may isang wika at may natatanging paraan ng pamumuhay, paniniwala at mga katangian
Mahahati sa dalawa ang mga pangkat etniko sa Pilipinas ang mga malalaki at maliliit na pangkat
Malalaking pangkat etniko sa Pilipinas
Sa luzon
1.Tagalog- masayahin, palakaibigan at kilala sa mahigpit na pagkakabuklod sa pamilya
-matatagpuan sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva ecija, Quezon, Aurora, mindoro, Romblon, Marinduque, Cavite, Rizal, Laguna, Batangas at bataan
2.Ilokano- matipid at mahilig sa pakikipagsapalaran
-nagmula sa lalawigan ng Ilocos, Isabela, Cagayan, abra, La-union, pangasinan, Benguet, Quirino
3.Bikolano- Relihiyoso at mahilig sa pagkaing may gata
- mula sa lalawigan ng albay, camariñes norte at Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon
4. Kapampangan- masarap magluto at mahusay manamit
-Nagmula sa pampanga, tarlac at Nueva Ecija.

Sa visayas
1.      Cebuano – Mahilig sa kasiyahan
Matatagpuan sa lalawigan ng Cebu, Bohol, Negros Oriental at Siquijor
2.      Ilonggo- malambing, mahinahon at malumanay sa pag sasalita
-nagmulasa Samar at leyte
Sa mindanao
1.Muslim – pinakamatapang sa lahat ng mga pangkat etniko
-          Nagmula sa Mindanao
Maliliit na Pangkat etniko sa Pilipinas
1.Negrito- Karamihan sa kanila ay naninirahan sa zambales at ang ilang pangkat ay sa visayas at sa Mindanao
-Pandak, maitim, kulot
-Mahusay mangaso, magsaka
2. Ifugao- Naninirahan sa gitnang bahagi ng Hilagang Luzon
- Masisipag, Matitiyaga at matatalino ang kabilang sa pangkat na ito
- ang kanilang mga ninuno ang gumawa ng hagdan hagdang palayan sa Banaue
3. Badjao- Makikita sa Sulu; Kilala sa tawag  na sea gypsy o hitanong dagat
- Sila ay naninirahan Sa mga Bangkang bahay
-Tahimik at mahinahon
-Pangingisda ang kanilang pangunahing kabuhayan, nakikipagkalakalan sa mga dayuhan
4.T’boli- Makikita sa South Cotabato
-mangingisda, nangangaso, at pagtatanim ang kanilang ikinabubuhay
-pinamumunuan ng datu
- Hinahangaan Dahil sa mga palamuti sa katawan at gayundin ang kanilang damit na hinabi mula sa t’nalak o abaka

Ang pagkamamamayang Pilipino
Sa Pilipinas, ang mga sumusunod ay tinuturing na mga mamamayang Pilipino
1.Mga mamamayan sa Pilipinas noong magpatibay ng saligang batas
2.Kung ang ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas
3.Mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng karampatang gulang
4.Mga naging mamamayan ayon sa batas
CITIZENSHIP- Karapatan bilang isang mamamayang Pilipino na Hindi nagagamit ng mga dayuhan tulad ng karapatan sa libreng edukasyon, ari-arian, pangkabuhayan, at iba pang karapatang itinakda ng batas ng Pilipinas para sa mamamayang pilipino lamang

Ang dalawang prinsipyo ng Pagkamamamayang Pilipino
Jus Sanguinis- ang sinumang may mga magulang na mamamayan ng isang estado ay magiging mamamayan ng isang estado ay magiging mamamayan din ng naturang estado
Jus Soli- ang pagkamamamayan ng isang tao ay ayon sa lugar ng kanyang kapanganakan, anuman ang pagkamamamayan ng kanyang mga magulang

Ang pagiging Mamamayang Pilipino ng dayuhan
Ang sinumang dayuhang nagnanais maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon ay kailangang
1.Hindi kukulangin sa 21 taong gulang
2. nakapanirahan na sa Pilipinas nang tuluy-tuloy sa Loob ng sampung taon. Ito’y maaaring gawing limang taon lamang kung:
-nakapagtatag na siya ng bagong industriya rito sa Pilipinas
-siya’y nakapag asawa ng isang pilipina o pilipino
-dito sya isinilang sa Pilipinas
-siya’y nakapanungkulan na sa pamahalaang pilipino
3. may mabuting pag-uugaling moral
4.nagtataguyod ng mga simulain ng Saligang-Batas ng Pilipinas;
5.may ugaling maipagkakapuri sa panahon ng paninirahan sa pilipinas at sa mga pamayanang kanyang tinitirahan;
6.may ari-arian sa Pilipinas o may pinagkakakitaan, propesyon, o gawaing naaayon sa batas
7. Marunong bumasa’t sumulat ng isang pangunahing wika sa Pilipinas; at
8. nagpapaaral ng mga anak na wala pang sapat na gulang sa paaralang pribado o publiko sa Pilipinas na nagtuturo ng kasaysayan ng Pilipinas, Pamahalaan, at sibika sa panahon ng paninirahan sa bansa.
Hindi lahat ng mga dayuhan ay maaaring magharap ng kahilingan upang maging isang naturalisadong mamamayan sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas. Ang sumusunod na mga dayuhan ay hindi maaaring maging mamamayang Pilipino.
1.Mga taong nahatulan ng kasalanang kaugnay ng moralidad
2.Mga taong walang pagnanais na yumakap sa mga kaugalian, tradisyon, at simulaing maka-Pilipino
3.Mga taong naniniwala sa Poligamya
4.Mga taong sumasalungat sa organisado o nakatatag na pamahalaan
6.Mga taong naging sakop ng bansang Hindi nagkaloob sa mga pilipino ng karapatang maging naturalisadong mamamayan ng naturang bansa

Deportasyon ng mga Di-kanais-nais na Dayuhan
Ang mga dayuhan ay mga  panauhin sa bansang kanilang tinitirahan kaya’t inaasahang sila’y kikilos nang wasto at nararapat. Sa sandaling hindi maging kanais-nais ang kanilang pag-uugali, sila’y pinababalik o ipinatatapong pabalik sa bansang kanilang pinagmulan (deportation o deportasyon). Ang isang di kanais-nais na dayuhan ay maaaring ipatapon pabalik sa kanyang bayan sa sumusunod na mga kadahilanan:
1.Mga imoral na gawain, tulad  ng Prostitusyon, pagsusugal, at iba pa
2. kawalang-galang sa Bandilang Pilipino at sa mga ugali at tradisyong Pilipino
3.Bigamya at poligamya
4.Panunuhol, panghuhuwad, pagnanakaw, at iba pa
5. pagpupuslit ng mga bawal na gamot, armas, sandata, at iba pang katulad ng mga ito
7.sabotahe o terorismo tulad ng pagwasak sa mga riles ng tren at mga tulay, o sinasadyang paghadlang sa pag unlad ng ekonomiya ng bansa

Dual Citizenship
Ay kilala bilang republic act 9225 o citizen retention and reacqusition act of 2003 pinagtibay ni President Gloria Macapagal Arroyo noong September 17, 2003
Dokumentong kailangang isumite upang makamit ang dual citizenship
1.Birth certificate galing sa NSO
2.petition for dual citizenship and Issuance of identification Certificate pursuant to RA 9225 Form na may lagda at larawan ng mga  nagnanais ng dual citizenship
3.Kaukulang bayad na $50 (dolyar)
4.Iskedyul ng Panunumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas
Matapos gawin ng Bureau of Immigration ang petisyon, panunumpa at pag-apruba sa mga dokumento,ipapasa naman ito ng kagawaran sa Philippine Consulante General
 Ngunit hindi lahat ng nagnanais ng dual citizenship ay maaaring bigyan ng Ganitong karapatan. Hindi pinahihintulutan sa dual citizenship ang:
1.Mga dating may pagkamamamayang Pilipinong nakamit ang pagkamamamayan dahil sa naturalisasyon
2.Batang ipinanganak sa Pilipinas na ang isa sa mga magulang ay Pilipino
Samantalang ang isa pa ay banyaga na nagmula sa bansang gumagamit ng jus sanguinis bilang prinsipyo ng pagkamamamayan
Hindi rin pinahihintulutanng batas ang mga asawang banyaga ng mga Pilipino sa dual citizenship. Sila’y pinahihintulutan lamang na magpasa ng dokumento para sa naturalisasyon o di kaya’y visa na makapanirahan sa pilipinas
Tulad ng iba pang Pilipino, ang may dual citizenship ay may sumusunod na mga karapatan
1.karapatang bumoto at maihalal alinsunod sa iba pang batas ng Pilipinas tulad ng Seksiyon 1, Artikulo 5 ng Saligang-Batas at Republic act 9189 o Overseas Absentee Voting act of 2003
2.Makapagmayari ng lupa
3.Makapagtayo ng sariling negosyo
4.Makapanirahan sa Pilipinas kahit walang entry visa
5.Makapanirahan sa Pilipinas kahit na ilang taon na walang binabayarang immigration fee
6.Magamit ang pinag-aralang propesyon (doktor, abugado) subalit kailangang kumuha ng kaukulang permit o lisyensya mula sa kaukulang ahensiya ng pamahaaan

Pagkawala at muling pagkakamit ng Pagkamamamayan
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay maaaring mawala sa sumusuod na mga paraan:
1.Naturalisasyon sa ibang bansa
2.Panunumpa ng katapatan sa saligang-batas ng ibang bansa pagsapit ng 21 taong gulang
3.Pagpasiyang isuko ang pagkamamamayang Pilipino
4.Paglilingkod sa hukbong sandatahan ng ibang bansa
5.Pagkawala ng bisa ng naturalisasyon
6.pagtakas sa hukbong sandatahan ng kanyang bansa panahon ng digmaan
7.Para sa isang Pilipina: ang pagiging mamamayan na ng bansa ng kanyang asawang dayuhan
Ang pamahalaan ay nagtatakda ng sumusunod na mga paraan upang muling makamit ang pagkamamayan ng isang tao:
1.Naturalisasyon
2.Pagpapatawad sa mga tumakas hukbong sandatahan
3.Tuwirang aksiyon ng kapulungang pambansa
4.pagpapabalik sa sariling bansa ng isang Pilipinong nag-asawa ng isang dayuhang pumipili ng pagkamamamayan ng kanyang asawa

Ang populasyon ng Bansa
Populasyon- Ang kabuuang bilang ng mga mamamayang naninirahan sa isang lugar ay tinatawag na populasyon
Mailalarawan ang populasyon ng isang Bansa sa pamamamagitan ng mga sumusunod na katangian:
1.Laki   2.Bilis ng paglaki  3.Kapal o distribusyon 4.Gulang at, 5.Kasarian

Laki ng populasyon
Pansinin ang mga pagbabagong nangyari mula noong taong 1903-2004

Talahanayan 1
                  Taon                                  Populasyon
1903
7,635,436
1918
10,314,310
1939
16,000,303
1948
19,234,182
1960
27,087,685
1970
36,684,486
1975
42,070,660
1980
48,098,460
1990
60,703,206
1995
68,616,536
2000
76,504,077
2004
86,241,697

Ang unang senso ay ginawa noong 1591. Ang bilang ng mga tao sa buong kapuluan noon ay 667,612 lamang. Ang unang senso sa ilalim ng pamahalaang amerikano ay ginawa noong 1903. Nang mga panahong iyon, umabot sa 7,635,426 ang populasyon sa bansa
Ayon naman sa senso noong  Mayo 1, 1980 may 48,098,460 ang kabuuang populasyon ng Pilipinas. Makalipas ang sampung taon, 60,703,206 ang naging kabuuang populasyon batay sa senso noong noong Mayo 1, 1990.











Talahanayan 2
Tinatayang populasyon ng mga rehiyon

Rehiyon
2000 (Mayo 1)
1995 (Setyembre 1 )
1990 (Mayo 1)
Pilipinas
76,498,735
68,616,536
60,703,206
NCR
9,932,560
9,454,040
7,948,392
CAR
1,365,220
1,254,838
1,146,191
Ilocos Region
4,200,478
3,803,890
3,550,642
Cagayan Valley
2,813,159
2,536,035
2,340,545
Central Luzon
8,030,945
6,932,570
6,199,017
Southern Tagalog
11,793,655
9,943,096
8,263,099
Bicol Region
4,674,855
4,325,307
3,910,001
Western Visayas
6,208,733
5,776,938
5,393,333
Central Visayas
5,701,064
5,014,588
4,594,124
Eastern Visayas
3,610,355
3,366,917
3,054,490
Western mindanao
3,091,208
2,794,659
2,459,690
Northern Mindanao
2,747,585
2,483,272
2,197,554
Southern Mindanao
5,189,335
4,604,158
4,006,731
Central Mindanao
2,598,210
2,359,808
2,032,958
ARMM
2,412,159
2,020,903
1,836,930
Caraga
2,095,367
1,942,687
1,764,297
Filipinos in Philippine Embassies/Consulates and Missions Abroad
2,851
2,830
5,212

Tinatayang mga 50%  Ng kabuuang populasyon ng bansa ay naninirahan sa Luzon, 26% Sa Visayas, at sa Mindanao 24%

Bilis ng paglaki ng populasyon
Ay ang pagtaas at pagbaba ng populasyon sa loob ng isang Taon. Ang mataas ngunit marahang pagbaba ng bilis ng pagaanak at ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga namamatay ang dahilan ng patuoy na paglaki ng populasyon






Talahanayan 3
Bilis ng paglaki ng Populasyon
Taon
populasyon
Antas ng paglaki ng Populasyon (%)
1990
60,703,206
2.35
1995
68,616,536
2.32
2000
76,504,077
2.36
2004
86,241,697
1.88

Distribusyon ng populasyon
Pag aralan ang tsart ng populasyong ipinakikita sa talahanayan4. Kapansin-pansin ang hindi pantay na distribusyon ng populasyon sa iba’t ibang lugar sa bansa. May mga dahilan kung bakit hindi pantay ang distribusyon ng populasyon. Isa sa mga ito ang pandarayuhan.

Talahanayan 4
Kapal ng populasyon ng Pilipinas
Rehiyon
Lawak ng Lupain (km2)
Bilang ng tao bawat km2( May 1,2000)
Bilang ng Tao bawat km2(Sep1,200)
NCR
617.3
16,091
15,316
CAR
19,392.9
70
65
Ilocos Region
13,193.0
318
288
Cagayan valley
31,158.5
90
81
Central Luzon
18,392.5
437
377

Kasarian at Gulang ng populasyon
Nasa ibaba ang talahanayang nagpapakita ng komposisyon ng bansa sa taong 2000. Ipinakikita ng talahanayan ang populasyon ng bansa ayon sa kasarian at gulang ng populasyon. Suriin ito.








Talahanayan 5
Kasarian at gulang ng populasyon
2000
Pangkat ayon sa Gulang
Lalaki
Babae
1 pababa
986,506
930,925
0-5
3,965,426
3,786,645
5-9
4,962,013
4,732,768
10-5
4,541,197
4,408,417
15-19
4,017,830
3,999,468
20-24
3,522,518
3,546,885
25-29
3,053,616
3,017,473
 Malaking bahagi ng populasyon ang nasa lima hanggang siyam na taong gulang. Nangangahulugan itong higit na nakararami ang mga bata sa Pilipinas. Mas mataas ang bilang ng mga kalalakihan kaysa sa kababaihan  Halos 59% ang kalalakihan samantalang 41% naan ang mga kababaihan. Sa kabila nito, ayon sa pinakahuling tala ng NSO sa taong 2004, mas maiksi ang inaasahang life expectancy ng mga kalalakihan sa edad na 66.7 kumpara sa mga kababaihan sa edad na 72.6. Sa kabuuan, ang inaasahang haba ng buhay ng mga Pilipino ay umaabot lamang sa 69.9 na taon.


Populasyon ng mga pamayanang Rural at Urban
Makikita sa ibaba ang ulat ng populasyong rural at urban sa taong 1994 hanggang 2000. Suriin ang talahanayan at pag-aralan ito.

Talahanayan 6
Populasyon ng mga pamayanang Rural at Urban
Taon
Urban
Rural
1994
6,347,291
6,407,653
1997
6,750,641
7,441,821
2000
7,489,853
7,779,802
kabuuan
20,587,785
21,629,276


Mapapansin sa talahanayang ito na ang populasyon sa mga pook-rural ay higit na nakararami kaysa sa populasyon ng pook-urban mula noong 1994 hanggang 2000. Ngunit sa kasalukuyang tala ng NSO, 60% ng populasyon ng pilipinas ang nagmula sa pook-urban samantalang 40% naman sa pook-rural. Karaniwang matao at magulo ang mga pook-urban kaysa sa pook-rural. Sa pook-urban, maraming sasakyan at magkakalapit ang mga tirahan. Marami ring mga Gusali at Tindahang komersiyal. Ang mga lungsod ay ang mga pook-urban. Mga halimbawa nito ang Cebu, Maynila, Makati, Quezon, at pasig. Pook urban din ang mga bayang kapal ng populasyon ay 500 katao sa bawat isang kilometro kwadrado.


Populasyon ng Pilipinas Ayon sa Relihiyon
Makikita sa ibaba ang porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ayon sa Relihiyon
Relihiyon
Porsiyento
Katoliko romano
83%
Protestante
9%
Muslim
5%
Buddhist, atb.
3%


Pandarayuhan ng mga mamamayan
ang paglipat ng lugar na paninirahan ay tinatawag na pandarayuhan o migrasyon. Ang pandarayuhan ng mga pilipino sa isang bayan, lalawigan, o rehiyon patungo sa ibang bahagi ng ating bansa ay tinatawag na pandarayuhang panloob. Ang pag-alis naan ng mga Pilipinong nagtutungo sa ibang bansa ay tinatawag na pandarayuhang panlabas.

Mga dahilan ng pandarayuhan
Marami ang dahilan kung bakit nandarayuhan ang mga pilipino. Nangunguna sa mga dahilang ito ang kaunlarang pangkabuhayan. Mithiin ng bawat Pilipino ang mapabuti at ang mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Marami ang naniniwalang higit na uunlad ang kanilang buhay kung lilipat sila ng kapaligiran. Isa rin sa mga dahilan ng mga tagalalawigan upang dumayo ay ang kaginhawaang matatagpuan sa mga pook-urban ay ang transportasyon, komunikasyon, kagamitang de-kuryente, at ng mga bagay at pook na mapag-aaliwan. Para sa kaligtasan ng mga mamamayan, dumarayo o lumilikas sila sa ibang lalawigan o pamayanang ligtas at payapa.

Epekto ng Pandarayuhan
May mga idinudulot na epekto sa pook na nililipatan ang taong lumipat ang pandarayuhan. Ilan sa mga ito ay ang di-pagkakaunawaang dulot ng pagkakaiba-iba ng pangkat na kinabibilangan, kaugalian, at relihiyon. Isa ring epekto nito ang paglaki ng Suliranin sa pagkakakitaan dulot ng kakulangan sa mga paglilingkod na pambayan, gaya ng pabahay, patubig, pagamutan, at Transportasyon.


Mga pagpapahalaga at Paniniwalang Nagbubuklod sa mga Pilipino
Pananalig sa Diyos
            Naniniwala ang mga Pilipinong may Diyos na siyang pinagmumulan ng mga biyayang kanilang tinatanggap sa araw-araw
Makikita sa halos lahat ng mga pook sa Pilipinas ang iba ibang simbahan o bahay-dalanginan. Kristyano man o Muslim, ipinakikita nila ang kanilang pagpapahalaga sa Panginoon sa paggawa nang mabuti sa kapwa at sa lahat ng nilikha. Sinusunod nila ang kautusan ng kani-kanilang relihiyon
Pagpapahalaga sa Kalinangan
            Naniniwala ang mga Pilipino sa kahalagahan ng edukasyon bilang instrumento ng Pag-unlad at pag-sulong. Naniniwala ang mga Pilipino na Ang mga kabataan ang Pag-asa ng bayan. Sa abot ng kanilang makakaya, pinangangaralan nila at matiyagang sinusubaybayan ang paglaki ng kanilang mga anak upang lumaking may pagpapahalagang moral,  at magtagumpay sa Buhay. Pinagsusumikapan ng mga magulang na maitaguyod ang pagaaral ng mga ana upang sila ay matuto at lumaking mabuting tao
Pagpapahalaga sa Demokrasya
          Mahalaga sa mga Pilipino ang mga simulain ng demokrasya. Ito angnagpapaalalang ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa mga mamamayan. Nagmumula sa pasya ng nakararaming mamamayan ang pasya ng mga pinunong namamahala sa bansa. Sa pamamamagitan ng halalan, malayang nakaboboto ang mga Pilipino. Dito mapipili nila ang gusto nilang kinatawang mamumuno sa pamahalaan.
Pagpapahalaga sa kalayaan
          Nasusulat sa kasaysayan ng Bansa kung paano pinatunayan ng maraming Pilipino ang kanilang pagpapahalaga sa kalayaan. Mahirap at mayaman, matalino at mangmang, lalaki at babae, matanda at bata ay nagpakita ng pagtatanggol para sa kalayaan ng Bansa noong EDSA Revolution. May mga nagbuwis pa ng kanilang buhay para sa kalayaan ng Bansa. Hanggang sa kalayaan.
Pagpapahalaga sa Pagkakapantay-pantay ng tao
          Marami sa mga pilipino ang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng tao. Ipinakikita ito ng mga Pilipino sa pagiging magiliw sa mga panauhin. Walang tinitingnan ang mga pilipino, Maging anuman ang anyo, kulay ng balat, o katayuan sa Buhay. Handang aliwin, paglingkuran, at pakainin ng mga Pilipino ang kapwa Pilipino ang kapwa Pilipino at maging ang mga dayuhan. Ang mga Pilipino ay maniniwalang ipinanganak ang lahat ng pantay-pantay.



No comments: